Showing posts with label Ernest Hemingway. Show all posts
Showing posts with label Ernest Hemingway. Show all posts

12 February 2017

Hemingway's prayer


Ang Matanda at ang Dagat (The Old Man and the Sea) by Ernest Hemingway, translated by Jesus Manuel Santiago (Sentro ng Wikang Filipino, 1999)

Niyebe ng Kilimanjaro at Iba Pang Kuwento (The Snows of Kilimanjaro and Other Stories) by Ernest Hemingway, translated by Alvin C. Ursua (Komisyon sa Wikang Filipino, 2015)



The seafaring old man in The Old Man and the Sea was Santiago. He was down on his luck and he was called salao, "which is the worst form of unlucky". The Filipino translator, Jesus Manuel Santiago, rendered the phrase as pinakamalas sa lahat ng malas (the unluckiest of all the unlucky). The repetition captured the sense of Santiago's defeat. His furled flag was like "the flag of permanent defeat" (bandera ng ganap na pagkagapi). It was a good translation. It was clear from the way there was a ready counterpart name given for the many kinds of sea creatures (fish, bird, shark, seaweed) in the novel.

The simple, fable-like story was supposed to highlight the humility of man in the face of nature, his dignity intact after a long struggle. It was significant that the character was presented as a subaltern: someone who was old and poor and who belongs to the working mass of small fishers. Santiago was doing his honest work. We could not begrudge the artisanal fisher his livelihood and thrill of adventure.

His most recent sally into the the Gulf Stream was almost like a suicide mission. He was alone, and he would go into the farther reaches of the sea, far from anyone's reach. He was mostly unprepared; he even forgot the salt that would help him spice up fish that would serve as his food. That the old man will leave empty-handed and be defeated by the forces of nature and circumstances was almost assured. The reader was meant to admire the character's tenacity and big heart. And the sometimes stilted prose that was nevertheless described by the 1954 Nobel Prize Committee as a prime example of the novelist's "mastery of the art of narrative."

The reader would be subjected to the thick of the adventure, man versus fish, then man versus sharks. Sometimes we were privy to the existential questions and ruminations besetting the old man during moments of great hardship. We were told of his dreams of his youth in Africa and the lions on a beach, almost indicating that he was trying to recapture his lost youth. In one very telling moment, Santiago was even likened to the Christ being nailed on the cross.

The Old Man and the Sea was Hemingway's ode to martyrdom and a form of machismo. It was the distillation of his ennobling of figures of men without women, those who were never cowed in facing great tests of human strength and endurance. They went through the motions of defeat, vilified, and cast aside. And they remained steadfast on their mission, however suicidal.

They might not be religious, yet they lived on simple prayers:

"Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala ka naman ng iyong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen." Pagkaraa'y idinugtong nya, "Pinagpalang Birhen, [ipanalangin] mo ang kamatayan ng isdang ito. Kahanga-hanga man siya."

This was a more sincere, less satirized prayer than that infamous nada-prayer of the defeated figure in "Sa Dákong Maliwanag, Dalisay" (A Clean, Well-Lighted Place), from the collection Niyebe ng Kilimanjaro at Iba Pang Kuwento (pdf), translated by Alvin C. Ursua.

Kawalan namin, nawawala ka, kawalan ang ngalan mo. Kawalan ang kaharian mo. Nawala ang loob mo dito sa kawalan para nang kawalan. Bigyan mo kami ng kawalan ng aming kawalan sa araw-araw; at pakawalan mo kami sa aming mga kawalan, para nang pagpapakawala namin sa wala sa amin; at kawalan mo kaming ipahintulot sa kawalan, at pakawalan mo kami sa kawalan ng wala. Aba, kawalan, napupuno ka ng kawalan, ang kawalan ay sumasaiyo.

The adventure was also an opportunity for extolling manhood and masculinity. The conquistador reveled in sport fishing. 

"Pero papatayin ko pa rin siya," sabi niya. "Kahit gaano siya kadakila at karilag."

Bagamat hindi iyon makatarungan, naisip niya. Pero ipakikita ko sa kaniya kung ano ang kayang gawin ng isang tao at hanggang kailan siya makapagtitiis.

"Sinabi ko sa bata na ibang klase akong matanda," sabi niya. "Ngayon ko iyon dapat patunayan."

Ilang libong beses na niyang napatunayan iyon pero wala ring silbi. Ngayo'y pinatunayan niya iyong muli. Bawat pagkakataon ay isang bagong pagkakataon at hindi niya kailanman inisip ang nakalipas habang ginagawa niya iyon.

That perhaps encapsulated the pathetic worldview of the conquistador. To be discontented with what he had and what he had proven so far. Every day was a test. In every situation, he had to master himself and conquer the quarry: the big fish, the mad bull, the boxing opponent. The peacock strutted his stuff, displaying the full extremity of his beautiful desire to kill for sport even if the prize was not meant to be won. The sharks were not an accident. It must be quintessentially the White Man's burden, this unfettered desire for colonization and domination even if it was recognized to be unjust. And this lack of regard for the counsel of the past.




19 October 2015

Apat na Aklat ng Bayan






Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nagpasinaya ngayong taonng bagong serye ng publikasyon na tinatawag nilang "Aklat ng Bayan" (Book of the Nation), isang malaking proyekto na bahagi umano ng "Aklat ng Karunungan" (Library of Knowledge) at magtatampok sa angking galing ng wikang Filipino. Kasama sa proyektong ito ang paglilimbag ng mga pag-aaral sa wika, panitikian, at kultura ng Pilipinas; salin sa Filipino ng mga akda mula sa katutubong wika; at pagsasalin ng mga obra maestra ng pangdaigdigang panitikan. Kudos sa KWF sa naisip nilang makabuluhang pakulo! Ito ay maaring ihanay sa iba pang pambansang proyekto (katulad ng Library of America, Library of Korean Literature, at Modern Library of Indonesian Literature) bagamat nakasentro sa wikang pambansa.

Ang apat na kababasa ko lang ay nakuha ko mula sa booth ng KWF sa katatapos na Manila International Book Festival.
1. Pitong Kuwento (Seven Stories) ni Anton Chekhov, salin ni Fidel Rillo
2. Ang Kuwintas at Iba Pang mga Kuwento (The Necklace and Other Stories) ni Guy de Maupassant, salin ni Allan N. Derain
3. Niyebe ng Kilimanjaro at Iba Pang Kuwento (The Snows of Kilimanjaro and Other Stories) ni Ernest Hemingway, salin ni Alvin C. Ursua
4. Ang Metamorposis ni Franz Kafka, salin ni Joselito D. Delos Reyes
(Ang mga ito ay pawang mga kuwento. May salin naman ng mga tula mula sa dalawang makatang nagtamo ng Gawad Nobel sa Literatura: ang Gitanjali ng makatang Bengali na si Rabindranath Tagore, salin ni Virgilio S. Almario, at Sa Prága: Mga Piling Tula ni Jaroslav Seifert (In Prága: Selected Poems of Jaroslav Seifert), koleksyon mula sa makatang Czech na isinalin ng isang grupo sa pamumuno nina Roberto T. Añonuevo at Gian Lauro Abrahan V.)

Tunay ngang nagpapakita ng galing ng mga lokal na manunulat na bigyan ng kapantay at kaakibat na salin ang mga klasikong akda nina Kafka, Chekhov, Hemingway, at Maupassant. Ang huling blog post ko ay nagbigay ng suri sa mahabang kwento ni Franz Kafka na "Ang Metamorposis" (link). Hindi ko gagamitin ang espasyo na ito para sa pagbibigay ng suri sa iba pang sinalin bagkus ay magbabahagi ng mga importanteng isyu patungkol sa pagsasalin.

Kung tutuusin marami pang dapat ayusin ang serye na ito. Pinapakita ang pagsunod sa modernong ortograpiya ng Filipino ngunit hindi naman pare-parehas ang aplikasyon sa lahat ng salita. Marami pa ring mga tipograpikal at gramatikal na kamalian na tyak na hindi naman makikita sa orihinal na akda. Para sa akin, mas dapat pag-igihan ang copyediting at proofreading ng pagsasalin dahil nakabatay ito sa isang akdang sinulat ng maayos at masinsin ng awtor nito. May responsibilidad ang tagapaglimbag na ayusin ang paglabas ng aklat na nakapangalan pa rin sa (dahil nakabalandra sa pabalat ng aklat ang pangalan ng) orihinal nitong awtor.

Ang salin ay dapat gawin nang makinis at dapat na masusi ang pag-edit dito. At hindi naman siguro ganun kaliit (maliit nga ba?) ang bayad sa mga tagasalin at mga editor ng KWF para tipirin ang kalidad ng pagpapalimbag? Isa pa, pamahalaan ang nagpapatakbo sa KWF at pati na rin sa Natinal Commission for Culture and the Arts (NCCA) na syang nagbibigay ng grant sa pagsasalin, kung kaya pera ng taumbayan ang ginagamit para dito. Sana lang ay ayusin nila kasi talagang nakakadiskaril ang pagbabasa kung maya't maya ay may maling baybay na mapupuna.

Isa pa, hindi rin malinaw kung ang ilang salin ay talagang nagmula sa orihinal na wika o kaya ay adaptasyon ng salin sa Ingles. Si Fidel Rillo ba ay bihasa sa Ruso? Si Allan N. Derain ba ay ginamit ang orihinal na Pranses ni Maupassant at direktang nagsalin mula Pranses patungong Filipino? Si Joselito D. Delos Reyes ba ay nag-aral ng Aleman? Ligtas si Alvin C. Ursua sa Ingles ni Hemingway bagamat mas mainam kung dineklara kung anong edisyon ng aklat ni Hemingway ang pinagbatayan ng kanyang salin.

Tungkulin ng publisher at translator na banggitin mismo sa aklat kung anong bersyon ang ginamit sa pagsasalin - mula sa orihinal ba na lengguwahe o mula sa isa sa mga salin sa Ingles? Kung Ingles ang pinagbatayan ni Rillo, ito ba ay ang Ingles ni Constance Garnett o ang Ingles ng mag-asawang Richard Pevear at Larissa Volokhonsky o Ingles ng iba pang nagsalin kay Chekhov? May implikasyon ito sa pagiging transparent ng salin at sa intellectual copyright. Maari namang isulat sa copyright page na ang salin ay direktang ginawa mula sa orihinal na wika kung ganito talaga ang kaso.

Kung titingnan naman ang mga napiling manunulat, puro kalalakihan ang anim na naunang naisalin. Mas mainam kung magkakaroon ng representasyon ang mga kababaihan sa susunod pang isasalin para sa Aklat ng Bayan. Maganda rin kung magkakaroon ng sapat na representasyon ang mga manunulat mula sa iba't-ibang panig ng daigdig. Maganda kung talagang aayusin ang programang ito dahil totoo namang maganda ang layunin at kapaki-pakinabang sa mga mambabasang Pilipino.