Ang "Marcos babies" ay tumutukoy sa henerasyon ng mga Pilipinong isinilang o namulat sa matagal na panahon ng panunungkulan ng diktador na si Ferdinand Marcos. Ang Mondo Marcos ay kalipunan ng mga sulatin (maikling kuwento, sanaysay, tula) patungkol sa pamumuhay sa ilalim ng nasabing diktadurya. Kung ang pagbabalik-tanaw ang isa sa pinakamabisang paraan para mapasakamay ang pagkaunawa sa kasaysayan, ang aklat na ito ay matagal nang hinihintay ng mga mambabasa. Maaring hindi pa nila nalaman ang pagkakalimbag nito, pero sa sandaling mabuklat ang mga pahina nito ay posible kayang maging mitsa ng pag-alala sa nakaraan at pagproseso ng kritikal na pangkaisipan? Ang mga sulatin ba na nalikom ng mga editor na sina Frank Cimatu at Rolando B. Tolentino ay pwedeng magsilbing giya sa pagtahak sa kinabukasan ng sambayanan? Bagamat ito ay walang kaseguruhan, at ang leksiyon ay hindi pa rin natututunan, ang naisulat ay nagpapamalas na hindi kailanman nawawala sa malikot na imahinasyon ng mga kwentista ang mga kuwentong nag-aatubiling mailahad. Sariwa pa rin ang mga sugat na nagpapaalaala ng pagwawalang-bahala, ng paglapastangan, sa karapatang pantao ng di-mabilang na mga mamamayang Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Marcos. Ang mga kwento dito ay naratib ng pagpapatalsik at pagkalugami, ng krimen at salamisim. Maging ito man ay direktang karanasan ng manunulat o sulating piksiyonal, ang mundong muling binuhay sa antolohiyang ito ay isang mundong hindi naghahangad na pag-isahin ang karanasan pangkolektib. Bagkus, ang mga sulatin ay nagpapamalas ng mundo ni Marcos bilang isang pagsikil at isang pagkakataon. Pagsikil sa maraming uri ng kalayaan at pagkakataon para sa maraming paraan ng aktibismo. Sa limang istorya sa aklat, namumukod-tangi ang unang kuwento, "Kulto ni Santiago" ni Kristian S. Cordero, dahil sa matalinghaga nitong paglalarawan sa karahasan bilang isang hungkag na pamana, isang karapatang mana, nilinang ng sekswal na pagkamulat habang pumapasok sa buktot at walang katapusang pag-inog. Sa kabuuan, masasabing higit na interesante ang mga sanaysay kaysa sa mga maikling kwento, marahil dahil ang buhay na saksi sa mga kalupitan at pagmamalabis ay di kailangang magtago sa gawa-gawa lamang para marekord ang katotohanan. Ang "Redefinisyon" ni Janet Tauro-Batuigas at "Tanghalan sa Lansangan" ni Joi Barrios-Leblanc ay parehong magaling na naitala ang mga personal na prinsipyo at masidhing pag-asa sa darating pang mga araw. Kapansin-pansin din ang seleksiyon ng mga prosang tula. Nakadaragdag sila sa ginamit na malayang usapan. Na tila baga ang tuluyang pagdepende sa nakagawiang putol na mga linya at pira-pirasong imahe ay di talaga uubra sa pinapaksa. Sa epilog ng aklat, si Rolando B. Tolentino ay nagbalangkas ng teorya para sa buong koleksiyon. Ito'y tila pinaghalo-halo lamang na mga konsepto at kalituhan. Ang kanyang pagkabigong magpakita ng isang maliwanag at kapani-paniwalang dokumento ukol sa relasyon ng etika at korupsiyon sa ating lipunan ay marahil pruweba na ang karanasan sa ilalim ng mapaniil na estado ay hindi pa na-internalisa ng ating kamalayan. Kailangan pa nating masusing intindihin ang ating kultural at pulitikal na tugon sa hamon ng kasaysayan. Ang mga sulating gaya ng Mondo Marcos ay nandito lamang para ipabatid na ang kalamidad na dinulot ni Marcos ay mananatili sa ating buhay sa matagal pang panahon. Bumalik na sa kapangyarihan ang mga Marcos habang ang ating bayan ay nahihimbing pa rin. Di pa tapos ang kuwento. Patuloy pa rin nating isinasapelikula ang karugtong na matino.
* * *
"Marcos babies" refer to the generation of Filipinos who were born or came of age during the long regime of dictator Ferdinand Marcos. Mondo Marcos is an anthology of writings (short stories, essays, poems) about life under that dictatorship. If recollection is one of the most effective ways of comprehending history, this book has been long awaited by its audience. Maybe most people have not yet been apprised of the book's existence, but the moment a page of it has been turned, one wonders if it can serve as a reminder of the past and as an impetus for critical thinking. Can the writings collated by the editors Frank Cimatu and Rolando B. Tolentino be used as a guide in charting the future of our people? While this is uncertain, and the lessons up to now are never learned, what is written will show that it is impossible to hide from the storytellers' creative imagination the stories that are begging to be told. Still fresh are the wounds that speak of the disregard, the violation, of human rights of innumerable Filipino citizens during Marcos's administration. They are narratives of displacement and despair, nostalgia and crimes. Be they first hand experiences or fictional ones, the narratives in Mondo Marcos are works that do not attempt to unify a collective experience. Rather, they individualize the world of Marcos as a prison and as an opportunity. A prison for many forms of freedom and an opportunity for many forms of activism. Of the five stories in the book, the most notable is the first one, "Kulto ni Santiago" (The Cult of Santiago") by Kristian S. Cordero, for its metaphorical representation of violence as perverse inheritance, as birthright, cultivated by sexual awakening as it enters the vicious cycle. Overall, the essays in the anthology are far more interesting than the stories, perhaps because a live witness to brutalities and injustices does not need artifice to record truth. Janet Tauro-Batuigas's "Redefinisyon" and Joi Barrios-Leblanc's "Tanghalan sa Lansangan" ("Street Theater") are both exemplary in their personal convictions and their fervent hopes for better days ahead. It is also interesting to see several prose poems chosen. They add to the explicit use of conversational devices, as if exclusive reliance to conventional broken lines and fragmented images will simply not do for the subject matter. In the book's afterword, editor Rolando B. Tolentino tried to provide a theoretical framework for the collection. It was rather a jumble of concepts and confused references. His failure to elucidate a coherent and convincing article on the relationship between ethics and corruption in Philippine society is perhaps proof that the experiences under this totalitarian state have not yet sunk in to our consciousness. We still need to analyze our own cultural and political responses to the challenges of history. Texts like Mondo Marcos are only here to highlight the fact that the aftershocks of the Marcos experience will stay with us for a long time. The Marcoses are back in power and our country is still in slumber. The narrative isn't over. We are still filming a decent sequel.
Review copy courtesy of Anvil Publishing and Honey of Coffeespoons.
Oo tandang tanda ko pa, ang mga idol robots namin noon (Voltes V, Mazzinger Z, Daimos, Mekanda Robot at Voltron)
ReplyDeletehmp ewan ko ba pero naiyak ako sa rebyung ito. rebyu lang naman pero parang bang pinapaguilty ako dahil sumuko na ako sa laban.
ReplyDeletesumuko na at nagpapakasarap na lang sa paraiso sa ibang bansa.
sa ibang bansa wala akong magagawa kundi ang magpadala ng pera at manglait sa www sa mga nangyayari sa pilipinas.
pero salamat at pinaiyak mo ako sana ay mahugasan nito ang muta ko ;-)
RA7611, meron pa rin namang laruang ganyan hanggang ngayon. Ang nami-miss ko ay yung triyanggulong Vicks Candy, Royco Alphabet Noodle soup, pelikula ni Nora, John en Marsha. May essay sa libro na "Top 50 Ways to Know Whether You're a Martial Law Baby". Nakalista ang mga 'to.
ReplyDeleteepoh, Waaaaaaah, ayoko magpaiyak. Salamat sa pagbisita mo. Ang laban ay sinasabi ring naipagpapatuloy sa ibang parte ng daigdig. Para saan pa't bagong bayani na ang turing sa mga nangingibang-bansa. Iba nga lang ang mukha ng kontrabida.
ReplyDeleteanu ba itong libro na ito, hindi ko mawari kung anu ang kahulugan ng mga maikling salaysay sa taas, ito bay patungkol sa kasamaan o kabutihan ni marcos? o ito bay isinulat patungkol sa buhay ng isang tao base sa buhay nyan bagamat may matinding poot at pagkabulag sa kasaysayan ng nakaraan, o ang mga sumulat nito ay kakampi ng mga dilawan?
ReplyDeletebakit ganoon
ReplyDelete